-- Advertisements --

Wala pang pinal na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Russia kaugnay ng suplay ng produktong petrolyo.Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, patuloy na maghahanap ang Pilipinas ng mga alternatibong pinagkukunan ng langis upang matiyak ang sapat na suplay sa bansa, lalo na sa panahon ng krisis.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na bukas ang pamahalaan ng Russia sa pagpapalawak ng ugnayan sa Pilipinas pagdating sa suplay ng petroleum products.

Ipinaliwanag naman ng Pangulo na ang mga naging transaksyon noon sa Russia ay pansamantala lamang at walang nakapirming sistema. 

Aniya, kasalukuyan nang binubuo ang mas maayos na mekanismo upang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng langis ang bansa sakaling magkaroon muli ng pagkagambala sa pandaigdigang suplay.

Nilinaw din ni Pangulong Marcos na wala pang desisyon kung regular nang kukuha ng langis ang Pilipinas mula sa Russia dahil may mga politikal at geopolitical na konsiderasyong dapat pag-aralan.