-- Advertisements --
Walang Filipinong nadamay sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa central Turkey nitong Lunes ng Umaga.
Ayon sa Philippine Embassy sa Ankara, na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino community na nasa lugar at maging ang mga kamag-anak nila.
Tiniyak din ng embahada na nakahanda silang magbigay ng anumang tulong sa mga Filipinong naapektuhan ng lindol.
Nagpaabot na rin ang embahada ng pakikisimpatiya sa mga nasawi ng malakas na paglindol.










