Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na walang pagbabago sa supply and capacity ng mga public transportation ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Laguna, at Bataan simula bukas August 21 hanggang August 31.
Pina-alalahanan naman ni DOTR Secretary Art Tugade ang publiko striktong sundin pa rin minimum public health standard (MPHS) dahil mataas pa rin ang banta ng Covid-19 lalo na ang Delta variant.
Binigyang-diin ng kalihim na tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) na tinukoy ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang maaaring sumakay sa mga public transport services.
Binigyang-diin din ni Tugade na lahat ng uri ng transportasyon privately-owned, with special permits, at mga shuttles ay dapat sumunod pa rin sa prescribed physical distancing and health measures sa lahat ng pagkakataon.
Nananatili sa 50% maximum capacity ang mga public utility buses at jeepneys at mayruong “one-seat-apart” rule at walang pasahero na dapat nakatayo.
Pinapayagan pa rin bumiyahe ang mga motorcycle taxi services at ang Transport Network Vehicle Service (TNVS) at sa isang tricyle isang pasahero lamang ang papayagan makasakay.
Sa Railway Sector, mananatili pa rin ang operations Philippine National Railways (PNR), LRT-1, LRT-2, at MRT-3 kahit nasa MECQ na ang NCR.
Sa Aviation and Maritime Sectors naman, domestic flights at sea travel sa NCR ay tuloy pa rin pero kailangan pa rin sumunod sa community quarantine restrictions sa magiging destinasyon ng isang pasahero.
Pinalalahanan naman ng MTR-3 ang publiko na mananatiling mga Authorized Persons Outside Residence (APORs) ang pahihintulutang makasakay sa mga tren ng MRT-3.
Upang mapatunayang sila ay APOR, kinakailangang iprisinta ng pasahero ang alinman sa sumusunod na mga Identification Cards:
- Certificate of Employment (COE) at isang valid o government-issued ID;
- Professional Regulation Commission (PRC) ID;
- Company ID;
- Vaccination schedule
Mahigpit din ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols sa buong linya, kabilang ang “7 Commandments” kontra COVID-19, 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.