-- Advertisements --

Blangko ang binuong Mega Task Force Against Corruption sa pinalutang ni Sen. Manny Pacquiao na lalong naging talamak ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa mahigit 200 reklamo na kanilang natanggap, wala sa mga ito ang sinasabi ng senador na korapsyon sa COVID-19 response ng gobyerno.

Ang pinaimbestigahan lang umano ay ang Dengvaxia at PhilHealth issues, na kapwa nasa hurisdiksyon ng DoH.

Kasunod nito, iniulat naman ng kalihim na iri-revive na nila ang pagtatalaga ng resident ombudsman sa mga graft-prone agencies.

Inaasahang malalagdaan ang memorandum ng DoJ, Ombudsman at COA sa darating na buwan ng Hulyo.