-- Advertisements --
Walang pasaherong nakaligtas sa bumagsak na China Eastern Airlines.
Ang eroplano na may sakay na 132 katao ay mula sa Kunming at patungo sa Guangzhou ay bumagsak sa bulubunduking bahagi ng lugar.
Hindi pa malaman ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Base sa inisyal na imbestigasyon an bigla na lamang nawalan ng contact ang eroplano sa air traffic controller sa lungsod ng Wuzhou ilang minuto matapos ang insidente.
Madalang mangyari ang matinding aksidente ng eroplano sa China na ang pinakahuli ay noong 2010 na ikinasawi 44 katao.