-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Energy (DoE) na mananatiling sapat ang supply ng kuryente sa buong panahon ng COVID-19 quarantine.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, bagama’t malaki rin ang epekto sa energy sector ng development na ito, hindi naman lubos na bumagsak ang reserbang enerhiya para sa pangangailangan ng bansa.

Para kay Cusi, naging balanse pa rin ang power distribution kahit malakas ang demand sa mga komunidad, dahil sarado naman ang ibang major consumer, kagaya ng mga malls at iba pang establishimento.

Nangako naman itong tutulungan ng gobyerno ang mga problema sa bayarin, upang mabigyan ang mga tao ng sapat na panahon para mapunan ang kanilang obligasyon.

Dahil dito, pinuri ni Senate committee on energy chairman Sen. Sherwin Gatchalian sa kanilang pagdinig kanina ang DOE at Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa nananatiling ligtas ang malaking bahagi ng bansa sa major power interruption.