-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Sen. Panfilo Lacson si Vice President Leni Robredo sa pakikipagpulong nito US officials hinggil sa isyu ng iligal na droga sa Pilipinas.

Ayon kay Lacson, walang mali sa pangangalap ng impormasyon, maging sa mga dayuhan.

Ang mahalaga ay magamit ng tama ang mga data at maresolba ang problema sa ipinagbabawal na gamot.

Iginiit naman ng senador na hindi maaaring mag-operate ang US sa Pilipinas dahil tanging pagbibigay ng impormasyon lamang ang maaaring gawin ng US authorities.

Kanina lamang, nakipagpulong si Robredo sa Law Enforcement Cluster ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa kaniyang tanggapan sa Quezon City Reception House.

Kabilang sa mga nakausap ng bise presidente sina Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Gregorio Pimentel, Dangerous Drugs Board (DDB) Executive Director Usec. Earl Saavedra at Department of Interior and Local Government (DILG) Asec. Ricojudge Echiverri.