CAGAYAN DE ORO CITY – Mismong si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang nangako na walang magaganap na “white wash” sa imbestigasyon ng pagkamatay ng hazing victim mula sa Philippine Military Academy (PMA).

Asawa ng kalihim ang tiyahin ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio, na dumating sa libing nito sa Cagayan de Oro City.

Ayon kay Jean Joselyn Año, ipinaabot ng kanyang asawa ang mensahe bilang tugon sa mga pangamba na baka makalusot ang mga kadete at opisyal ng akademiya na sangkot.

Hiling daw ng tatay ng biktima na si retired Army Col. William Dormitorio ang patas na imbestigasyon, gayundin ang pagpaparusa sa mga salarin.

Bumuhos ang luha ng mga kaanak at kaibigan ng namatay sa kadete nang ihatid ito sa huling hantungan.