Walang failure of elections ang idineklara sa 2 presinto sa paaralan sa Puerto Princesa city sa Palawan.
Inilabas ng Department of Education (DepEd) ang naturang inisyal na ulat kasunod ng pagkaantala ng botohan matapos pumasok ang grupo ng mga muslim at pinagpupunit ang election ballots sa 2 presinto sa Puerto Princesa Pilot Elementary school.
Inaresto naman na at ikinulong ang mga sangkot na indibidwal at sa kabutihang palad wala namang mga guro na nagsisilbing electoral board ang nasaktan sa naturang insidente.
Nilinaw din ng ahensiya na ang desisyon sa voting process ay maaari pa ring mabago.
Sa ngayon, inaantay pa ng DepEd ang official report mula sa schools division office ng Puerto Princesa kaugnay sa insidente.
Una ng kinumpirma naman ni Comelec chairman George Garcia ang pagkaantala ng halalan sa lugar.