-- Advertisements --
Inamin ng Philippine National Police (PNP) na matatagalan pa ang pagbibili ng mga body cameras para sa mga pulis na gagamitin sa kanilang operasyon.
Ayon kay PNP chief Oscar Albayalde, nakahanda na ang pondo pero ang problema ay walang pumasa sa mga suppliers para sa technical requirements ng PNP.
Sa dami aniya ng supplier na nagprisinta ng kanilang produkto, walo lang ang nakapasa sa initial screening pero bumagsak naman sa testing ng equipment.
Requirement kasi ng PNP na ang body cameras ay may live-feed function, waterproof at shock-proof.
Kaya sa ngayon ay naghihintay pa rin ang PNP ng mga kwalipikadong supplier.