Iniulat ni Consul Judy Razon ng Philippine Embassy in Colombia na wala pang Pilipino sa naturang bansa ang nagpahayag ng interest na magpa-repatriate.
Ito ay sa gitna ng tensyon sa naturang bansa, matapos maaresto si Venezuelan President Nicholas Maduro.
Ayon kay Razon, nanantiling maayos ang kalagayan ng mga Pilipino, batay na rin sa kolektibong pahayag ng mga Filipino community sa naturang bansa.
Wala din aniyang Pinoy na nanghihingi ng anumang assistance tulad ng pagdadala sa mas ligtas na lugar o paglikas tungo sa mga natukoy na safe zone o evacuation center.
Sa kabila nito, nananatili aniyang nakabantay ang Embahada sa sitwasyon ng mga Pilipino, kasama ang regular na paglalabas ng abiso para sa mga Pilipino roon.
Marami sa mga Pilipinong nasa Venezuela ay nagtatrabaho sa religious sector ngunit may ilan din sa kanila na maituturing bilang seasonal worker habang tinutukoy na rin kung may mga nagtatrabaho sa oil industry, isa sa pangunahing yaman ng naturang bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 70 Pinoy na nasa Venezuela, batay sa record ng embahada.











