-- Advertisements --

Wala pang bakuna sa ngayon na nabigyan ng emergency use authorization ng Food and Drugs Administration (FDA) laban sa monkeypox virus.

Gayunman ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sinabi din ng kalihim na makikipagdiskusyon na ang DOH sa World Health Organization (WHO) kung saan maaaring makabili ang bansa ng monkeypox antivirals sakaling magkaroon ng outbreak sa bansa.

Tiniyak din ng health department na kanilang tinitignan ang lahat ng posibleng available resources at legal methods para sa pagbili ng monkeypox vaccines.

Kaugnay nito, inatasan na aniya ang DOH’s Pharmaceutical Division na makipag-ugnayan sa Research Institute for Tropical Medicine at FDA para sa maaaring available sources ng monkeypox vaccines.

Sa ngayon, inihahanda na ng DOH ang supply chains at logistic services.

Inihayag naman ni Duque ang posibilidad ng paggamit ng Imvamune o Imvanex vaccine na mayroon ng license sa US para mapigilan ang monkeypox o smallpox.

Nauna na ring inihayag ng DOH na hindi pa available sa buong mundo ang bakuna laban sa monkeypox.