Naniniwala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na wala ng mga indibidwal sa likod ng mga sinasabing utak sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Sinabi ito ni Remulla nang tanungin tungkol sa sinabi ni Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, na nais niyang matiyak na wala nang mga indibidwal na humihila ukol sa kaso.
Una nang tinukoy ng mga otoridad ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Director General Gerald Bantag at Senior Superintendent Ricardo Zulueta bilang utak umano sa likod ng krimen.
Dagdag dito, ang Philippine National Police (PNP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsampa ng mga reklamong pagpatay laban kay Bantag, Zulueta, at ilang suspeks na persons with deprived of liberty (PDL).
Sa panig ng NBI iniimbestigahan din ang posibilidad na may mas makapangyarihang mastermind kaysa kay Bantag sa likod ng pagpatay sa mamamahayag na si Lapid.
Una rito, nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos at Remulla kay Zulueta, na sinasabing nagtatago na at si Bantag na sumuko na lamang sila sa mga otoridad. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)