-- Advertisements --

Kasamang nasawi si Wagner chief Yevgeny Prigozhin ng bumagsak ang sinakyan nitong eroplano sa Tver region ng northwest Moscow.

Ayon sa mga otoridad na mayroong walong bangkay na ang kanilang nakita sa lugar at isa si Prigozhin na pasaherong nakalista sa nasabing eroplano.

Base sa imbestigasyon na umabot sa mahigit 26,000 talampakan ang lipad ng nasabing eroplano bago ito tuluyang bumagsak.

Mayroong 10 pasahero ang sakay ng isang private Embraer Legacy aircraft ng ito ay bumagsak.

Magugunitang nanguna si Prigozhin sa isang araw na pag-aklas sa Russia dahil umano sa hindi magandang pakikipagrelasyon kay Russian President Vladimir Putin.

Namagitan naman ang Belarus kung saan nagtungo doon si Prigozhin hanggang sa naisagawa ang pag-uusap nila ni Putin.