-- Advertisements --
Napakita sa publiko sa unang pagkakataon matapos ang tangkang pag-aklas ng Russian mercenary groupo na Wagner ang founder nila na si Yevgeny Prigozhin.
Sa inilabas nitong video ay binati niya ng mga sundalo ang mga Belarus.
Nasa Belarus kasi ang grupo nito kung saan sinasanay nila ang mga sundalo doon.
Isinaad din nito sa video na hindi muna sila lulusob sa Ukraine.
Pinayuhan pa nito ang kasamahan na manatili muna sa Belarus at maghanda na lamang sakaling may biglaang lakad ang mga ito.
Magugunitang namagitan si Belarusian President Alexander Lukashenko ng magsagawa ng pag-aklas ang Wagner Group.