-- Advertisements --

Naglabas ng himutok ang mga tauhan ng PhilHealth sa naging pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Comm. Greco Belgica na dawit sa katiwalian “mula ulo hanggang paa” ng naturang government corporation.

Sa kanilang social media post, sinabi nilang nadadamay sa bintang maging ang mga nagtatrabaho ng maayos sa kanilang tanggapan.

Hinihintay din daw nila ang listahan ng mga inaakusahang empleyado at opisyal para maging malinaw sa lahat ang akusasyon ng PACC.

Nangako rin ang liderato ng PhilHealth na makikipagtulungan sila sa anumang imbestigasyon at hindi kokonsintehin ang mga nagkakamaling opisyal at empleyado.