-- Advertisements --
Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte at tinawag na isang gawain ng karuwagan ang pambobomba sa gymnasium sa loob ng Mindanao State University sa Marawi city.
Nakakabahala aniya ang pag-atakeng ito sa loob ng MSU compound sa isang catholic mass na ikinasawi at ikinasugat ng mga sibilyan sa isang bahagi ng bansa na may mahaba at madugong karanasan sa terorismo.
Sa gitna ng insidente, hinimok ni VP Sara ang mga Pilipino, partikular ang mga residente ng Mindanao, na manatiling kalmado habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng kanilang imbestigasyon
Ayon pa kay VP Sara, kailangang maging maingat at maging mapagmatyag upang mapigilan ang mga maaaring susunod pang pag-atake sa mga sibilyan.