Pinapurihan ng bise-presidente ng bansa ang pagiging makabayan at kagitingan ng miyembro ng Philippine Navy kasabay ng pagdiriwang ng ika-66 founding year ng Naval Special Operations Command.
Inihayag din ni VP Sara Duterte na mapalad ang mga Pilipino na magkaroon ng magigiting na Philippine Navy nang walang kondisyon, walang hinihiling na kapalit at pasan ang maraming sakripisyo.
Umaasa naman ang ikalawang pangulo na mas marami pang kabataan ang maging bahagi ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang allied security forces.
Saludo din si Duterte sa mga miyembro ng security front ng bansa para sa kanilang katapangan at pagmamahal sa bansa.
Ipinunto rin ni Vice President Sara ang pangangailangan na pagbibigay ng suporta at pagsasanay para sa mga sundalo ng Naval Special Operations Command para malinang pa ang kanilang skills at kapasidad sa pagtugon sa security threats.
Maalala na sinabi na rin noon ni VP Sara ang mahalagang papel ng mga ito sa counter-terrorism operations ng gobyerno at ilan lamang dito ang laban sa mga Abu Sayyaf group.