Ipinangako ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na mas paghuhusayin at paiigtingin pa nito ang kaniyang paglilingkod para sa Department of Education.
Ito ang binigyang-diin ng bise presidente sa kaniyang naging talumpati para sa ika-125 na anibersaryo ng Kagawaran ng Edukasyon.
Aniya, layunin nito na mabigyang-daan ang mga Pilipinong mag-aaral na mahasa at matanto ang kanilang buong potensyal bilang mga “future workforce” at “active builders” para sa ating bansa sa hinaharap.
Kasabay nito ay nangako si VP Duterte na mas pag-iigihan pa nito ang paglilingkod sa Department of Education bilang isang public institution na misyong protektahan at isulong ang karapatan ng bawat batang Pilipino para sa isang dekalidad at kumpletong edukasyon.
Bukod dito ay ipinangako rin niya na sesentro ang kanilang departamento sa “effective learning” at gayundin sa pagsusulong ng isang gender-sensitive, ligtas, at motivatng learning environment para sa mga kabataan.
Kaugnay nito ay hinikayat naman ng bise presidente ang lahat ng mga kawani ng DepEd na manatiling matiyaga habang patuloy na ipinapatupd ng kagawaran ang matatag na mga repornma sa basic education reforms, plans, and programs ng ahensya na naaayon sa layunin nito para sa pambansang kaunlaran.