-- Advertisements --

Patuloy ang pagbaba ng foreign reserves ng Pilipinas sa ikalawang sunod na buwan ngayong taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumaba pa sa $104.6 billion ang gross international reserves (GIR) o sumusukat sa kapasidad ng bansa para mabayaran ang import payments at service foreign debt mula sa naitalang $106.7 billion noong Marso.

Paliwanag ng central bank na ang pagbaba ng GIR level noong Abril ay pangunahing bunsod ng pagbaba ng mga depositong foreign currency sa BSP para matugunan ang external debt obligations at mabayaran ang iba’t ibang gastusin at ang net foreign exchange operations ng BSP.

Sa kabila nito, sinabi ng central bank na ipinapakita ng bagong GIR ang malakas na external liquidity buffer na katumbas ng 7.2 months na halaga ng imports of goods, payments ng mga serbisyo at primary income gaya ng mga kinikita ng overseas Filipino workers (OFWs) at kita mula sa mga pamumuhunan ng Pilipinas sa ibang bansa.

Nakikita ang GIR na sapat kung kayang matustusan ang tatlong buwang halaga ng imports of goods ng bansa, payments of services at primary income.