-- Advertisements --
image 582

Binisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga kababayan nating overseas Filipino workers sa South Korea.

Kasabay ito ng kaniyang official visit sa nasabing bansa kung saan nakipagpulong din siya sa matataas na opisyal doon.

Sa isang statement ay ipinaabot ng bise presidente ang kaniyang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga OFW, kabilang na ang pagkawalay ng mga ito sa kanilang pamilya at mahal sa buhay upang mabigyan lamang ng komportableng pamumuhay ang mga ito.

Aniya, sa ngayon ay nasa mahigit 57,000 OFWs mayroon sa South Korea na kapwa bahagi ng pagpapatibay pa sa kooperasyon, at magandang relasyon sa pagitan ng nasabing bansa at ng Pilipinas.

Matatandaan na ang pagbisita ni VP Sara sa South Korea ay bahagi ng kaniyang pagdalo sa Global Education and Innovation Summit kasunod ng imbitasyon sa kaniya ng South Korean government upang maging isa sa mga keynote speaker ng nasabing aktibidad