-- Advertisements --

Binisita ni Vice President Sara Duterte ang isang photo exhibit na iniaalay sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Laan Van Reagan en Gorbatsjov Street sa The Hague, Netherlands.

Ang naturang pagbisita ay kasabay ng pagdiriwang ni VP Sara ng kanyang kaarawan sa Mayo 31, habang nakakulong ang dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang ‘war on drugs.’

Maalalang si Duterte ay inaresto noong Marso 11 at kasalukuyang naghihintay pa ng confirmation of charges hearing sa ICC sa Setyembre ng taong ito.

Ayon sa isang poll, 62% ng mga Pilipino ay naniniwalang mahalagang harapin ni Duterte ang paglilitis sa ICC, habang 61% naman ang naniniwala na makakatulong ito upang matuklasan ang katotohanan tungkol sa mga pagpatay sa kanyang ‘war on drugs.’