-- Advertisements --
Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga supporters ng katatapos na halalan na simulan ng tanggapin ang resulta ng halalan.
Sa kaniyang talumpati sa isinagawang thanksgiving rally sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City, na lumilinaw na ang larawan kung sino ang nagwagi sa pagkapangulo sa bansa habang nangangailangan pa rin na imbestigahan ang mga naiulat na anomalya sa halalan.
Sinabi nito na sa ganitong paraan ng pagtanggap ng katotohanan ay maaari ng makatutok sa mga darating na panahon.
Ibinunyag pa nito na sisimulan niya agad sa buwan ng Hulyo ang pagbuo ng non-government organization na Angat Buhay na siyang tutulong sa mga mahihirap na kababayan.










