Itinuturing ni dating Philippine Bar Association President Atty. Rico Domingo bilang tamang desisyon ang hindi na pagbubukas pa ng House Justice Committee sa kontrobersiyal na green box.
Ang naturang box ay naglalaman ng tax records nina VP Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
Katwiran ni Domingo, kung binuksan ito ay maaari pang magdulot o magkaroon ng ibang isyu na posibleng maging dahilan para madelay ang proceeding.
Nanindigan ang abogado na nadiskubre naman na ang probable cause, kahit pa na hindi buksan ang tax records at maaari nang tumuloy sa trial ang kaso.
Naniniwala rin si Domingo na nagawa ng Justice Committee na sundin ang mga itinatakda ng saligang batas at ang nilalaman ng naging ruling ng Sureme Court sa Duterte vs House of Representatives sa mga serye ng pagdinig na ginawa nito.
Para kay Domingo, ang bukas na pagdinig ng panel ay nagpapakita ng istrikto nitong pagsunod sa itinatakda ng batas para wala nang makikitang butas sa naturang kaso.










