Hindi nababahala si Vice President Leni Robredo sa naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa posibleng impeachment case na isasampa laban sa pangalawang pangulo.

Ayon sa tagapagsalita ni VP Robredo na si Ms. Georgina Hernandez na wala umanong bago sa mga alegasyon na ipinupukol laban sa pangalawang pangulo.

Pahayag ni Hernandez na hindi nababahala ang kanilang kampo dahil sila ay nakakasiguro na nasa panig sila ng katotohanan.

Dagdag pa ni Hernandez na hindi na naman bago ang pananakot ni Speaker Alvarez at ang gusto lamang ni VP Leni ay maunawaan ang pinanggagalingan ng bantang impeachment.

Kahapon, muling iginiit ni Alvarez ang kaniyang pahayag kaugnay sa posibilidad na magsampa ng impeachment complaint laban kay Robredo.