-- Advertisements --

Posibleng sa susunod na buwan o sa Oktubre pa magdedesisyon si Vice President Leni Robredo kung tatakbo ba siya o hindi sa 2022 national election.

Ayon sa bise presidente, sakali mang mapili niyang tumakbo sa halalan sa susunod na taon ay hindi na siya aatras dito kahit gaano pa kahirap.

Gayunman, sa ngayon hindi aniya siya gaanong tututok sa usapin patungkol sa halalan lalo pa at nakakaranas ang bansa ng panibagong surge sa COVID-19 bunsod nang pagtaas ng mga kaso ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant at sa paglalagay sa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Sa ngayon, tuloy-tuloy aniya ang kanyang opisina sa mga hakbang na makakatulong hindi lamang sa COVID-19 vaccination, kundi maging sa telemedicine, pagbibigay ng emergency services, at marami pang iba.

Umaasa si Robredo na sa susunod na dalawang linggo ay magiging mabuti na ulit ang sitwasyon para na rin makapaghanda sa 2022 elections, lalo pa at sa Oktubre na rin magsisimula ang filing ng certificate of candicacy sa Comelec.