Malaki ang pasasalamat ni Vice President Leni Robredo mahigit 200 groups mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagsususlong ng kanyang kandidatura bilang pangulo sa darating na halalan sa 2022, sa pagsasabing seryoso niyang pinag-aaralan ang pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
“I’m very, very grateful for the trust and support. As I’ve been saying, I don’t take this trust lightly and I continue to give serious thought to this,” wika ni Robredo.
Mahigit 200 grupo na kumakatawan sa mahigit 500,000 miyembro ang nagbigay pugay sa magandang liderato ni Robredo, lalo na ngayong pandemya, at inulit ang kanilang panawagan na tumakbo siya bilang pangulo sa 2022.
Ipinaalam din ni Robredo sa panayam na nakikipagpulong siya sa iba’t ibang grupo bilang bahagi ng kanyang pagnanais na mapalawak ang maaabot at base ng oposisyon bago ang 2022 elections.
“Para sa akin, so much is at stake in the 2022 elections and I still firmly believe that we need to talk beyond our usual circles. Ang paniniwala ko pa rin is to go into 2022 a united front,” wika ni Robredo.
Nang tanungin ni Davila kung ano ang gagawin ng kanyang namayapang asawa na si Jesse Robredo kung kukumbinsihin siya ng mahigit 200 grupo na tumakbo bilang pangulo, sinabi ng Bise Presidente na ang kanyang asawa ay matagal nang pulitiko at alam niya ang gagawin sa ganitong sitwasyon.
“I’m giving my best effort for this. Kasi gaya ng sinabi ko, iyong unity for 2022 is the start of moving forward. Kapag sinabi kong start of moving forward past this pandemic, past the elections, kasi iyong iba ang sitwasyon natin ngayon,” ani Robredo.
Kabilang sa mahigit 200 grupo na nagpahayag ng suporta sa pagtakbo ni Robredo bilang pangulo ang mga manggagawa, health care workers, guro, church workers, kabataan at mga artist tulad nina Pia at Saab Magalona, aktor na si Enchong Dee, vlogger at host Bianca Gonzales, at singers/activists Jim Paredes at Bituin Escalante.
Suportado rin siya ng mga abogado tulad nina election lawyer Romulo Macalintal, human rights lawyer Chel Diokno, dating Supreme Court spokesperson Theodore Te at Dean Mel Sta. Maria.