-- Advertisements --

Kinumpirma ni Vice-President Leni Robredo na hindi na siya dadalo sa imbitasyon ng Comelec at KBP para sa panel interview sa susunod na linggo.

Ayon kay Robredo sa natitirang ilang araw na lang bago ang halala, mas iuukol na umano niya ang oras sa kampanyahan at sa mga volunteers na nag-ukol ng mahahalagang oras sa nakalipas na tatlong buwam.

Binigyang diin pa ng presidential aspirant na kung tutuusin marami na siyang debate na hinarap pero tanging may iisang kandidato sa pagkapresidente raw ang hindi pa humaharap sa taongbayan na kasama ang iba pang mga kalaban sa politika.

Kaugnay nito, hinamon ni Robredo si dating Sen. Bongbong Marcos na harapin siya sa isang debate.

Nais daw na itanong ng pangalawang pangulo kay Marcos na sagutin ang mga kontrobersiyang kinakaharap nito.

“In a few days, Filipinos will be voting for a new President. The three months of the official campaign period are nearly done, and over its course I have had many opportunities to present my track record, plans, and principles to the public. I have participated in multiple debates and interviews, and these are all recorded and available online,” ani Robredo sa statement. “I am therefore inviting Mr. Bongbong Marcos to a debate, to give the Filipino people a chance to face him and ask him questions, particularly those regarding the many controversies surrounding him. We owe it to the people and to our country. If he agrees, anytime, anywhere, I will be there.”

Samantala, bilang kasagutan agad namang naglabas din ng statement ang spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Ayon sa kanya, kailanman ay hindi ito mangyayari ang hamon ni Robredo at alam daw ito ng pangalawang pangulo.

“Nauunawaan ko ang kabiguang nararamdaman ni Ginang Robredo na makaharap sa isang pagtatalo at bangayan si presidential frontrunner na si Bongbong Marcos,” ani Atty Rodriguez. “Hindi ito kailanman mangyayari sa ilang kadahilanan. At batid ni Ginang Robredo ang mga kadahilanang yan.”