-- Advertisements --

Kasunod ng pahayag ni Vice President Leni Robredo na seryoso niyang pinag-aaralan ang posibilidad ng pagtakbo bilang pangulo sa 2022.

Ayon kay Joseph Quesada, isa sa mga convenor ng Team Leni Robredo (TLR), nangako ang kanyang mga tagasuporta na bibigyan siya ng sapat na espasyo para makapagpasya.

“We hear you, VP Leni. We will give you all the space that you need. This is not only your fight, but our fight as well. We are all fighting for good governance, fighting for jobs and fighting this pandemic. We can all help by campaigning for and casting our ballot for Robredo in the 2022 elections,” wika ni Quesada.

Tiwala rin ang grupo na gagawin ni Robredo ang tamang pasya pagdating ng tamang panahon alang-alang sa kapakanan ng bansa at ng mga Pilipino.

“We trust that the vice president’s decision will be guided by what’s at stake – the urgent need for better governance. We would respect whatever her decision would be,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat si Robredo sa mahigit 200 grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nagsusulong ng kanyang pagtakbo bilang pangulo sa darating na 2022 elections, sa pagsasabing pinag-iisipan niya ito nang husto.

“I’m very, very grateful for the trust and support. As I’ve been saying, I don’t take this trust lightly and I continue to give serious thought to this,” wika ni Robredo.

Mahigit 200 grupo na kumakatawan sa mahigit 500,000 miyembro ang nagpasalamat sa magandang liderato ni Robredo, lalo na ngayong pandemya, at muling iginiit ang kanilang panawagan para siya’y tumakbo bilang pangulo sa 2022.

Kabilang sa mahigit 200 grupo na nagpahayag ng suporta sa pagtakbo ni Robredo bilang pangulo ay mga manggagawa, health care workers, guro, church workers, kabataan at mga artist tulad nina Pia at Saab Magalona, actor na si Enchong Dee, vlogger at host na si Bianca Gonzales, at singers/activists na sina Jim Paredes and Bituin Escalante.

Kasama naman sa mga abogado na nangako ng tulong kay Robredo sina election lawyer Romulo Macalintal, human rights lawyer Chel Diokno, dating Supreme Court spokesperson Theodore Te at Dean Mel Sta. Maria.

Ilan pang grupo ang nakatakdang maglunsad ngayong linggo, kabilang ang Batangas for Leni sa September 8 dakong alas-6:00 ng gabi at Farmers for Leni sa Setyembre 17.