Pinaalalahanan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na hindi pa dapat ipagdiwang ang paghina ng pwersa ng mga komunista.
Inihayag ito ni Duterte matapos maitalagang co-vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, aniya pa, malaking banta ang communist groups sa kabataan ngayon lalo na ang posibilidad ng recruitment sa mga ito.
Binigyang-diin ng pangalawang pangulo na bantayan at huwag hayaang lasunin at samantalahin ang inosenteng pag-iisip ng mga bata.
Iginiit din ni Duterte na ang laganap na paghihimok sa mga kabataan na sumapi sa mga komunistang grupo ay nagpalalim sa insurgency problem ng Pilipinas.
Kailangan aniya samantalahin ang pagkakaisa ngayon at mabuting pamamahala habang itinataguyod ang sustainable peace and development.