-- Advertisements --
VP Sara Duterte, siniguro ang matibay na ugnayan sa Singaporean leaders -  Bombo Radyo News

Nananawagan si VP Sara Duterte sa mga Pilipino na magkaisa sa paggamit ng kanilang karapatang bumoto.

Ito ay dahil napansin niya ang epekto sa pambansang pamahalaan ng kasalukuyang halalan sa barangay.

Sa kanyang pagboto sa Davao City, idiniin ni Duterte ang mahahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga halal na opisyal ng barangay.

Aniya, ang mga pinuno ng barangay ay ang agarang pamahalaan ng mga tao na maaaring magbigay ng tulong at solusyon sa mga problema ng kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Duterte, ang kanilang integridad at dedikasyon sa paglilingkod ay kailangang suriin at tukuyin.

Ang halalan ay isang natatanging proseso na kung saan lahat ng Pilipino, anuman ang estado sa buhay, ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-ambag para sa Bayan sa pamamagitan ng pagpili ng karapat-dapat na mamuno sa lipunan.

Inilarawan ng Pangalawang Pangulo ang pagsasagawa ng halalan bilang simbolo ng pag-asa at pagkakaisa para sa lahat.

Sinusuportahan ni Duterte ang malinis, tapat at mapayapang pagsasagawa ng halalan habang hinihimok ang mga Pilipino na bigyang pansin ang makabuluhang kinabukasan para sa bansa.