-- Advertisements --

Ipinapaubaya na ni Vice President at Department of Education Secretary SAra Duterte sa mga school officials kung magpatupad ang mga ito ng blended learning dahil sa tumitindi ang init ng panahon.

Sinabi nito na walang problema sa mga local government unit na magsuspendi ng klase basta ang mga paaralan ay mag-implementa ng blended o distance learning.

Giit nito na noon pa man ay mayroon na silang order na maaaring mag-switch sa blended learning ang mga paaralan kapag may nakikitang problema kasama na dito ang mainit na panahon.

Kapag walang in-person classes ay maaaring ipagpatuloy ang paggamit ng mga modules.

Magugunitang may ilang local government unit ang nagsuspende na ng klase dahil sa tumitindi ang init ng panahon.