Nagsagawa ng stress debriefing ang mga guro sa Nuevo Iloco Elementary School para sa mga batang pansamantalang nakatira sa nasabing paaralan bilang kanilang evacuation center, ibinahagi yan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte
Matatandaan na matapos ang nangyaring pagguho ng malaking bahagi ng lupa sa Maco, Davao de Oro noong Pebrero 6, 2024 binisita ng bise presidente ang mga pamilyang biktima ng nasabing trahedya para kamustahin at makita ang kanilang kalagayan.
Nasaksihan umano ni Duterte sa kaniyang pag-iikot sa nasabing eskwelahan, ang mga ginagawa nilang mga aktibidad katulad ng kantahan at paligsahan para makatulong na makapagbigay ng kasiyahan sa mga batang nakaranas ng naturang trahedya.
Samantala, taos-puso namang nagpapasalamat si Vice President Sara Duterte samga guro sa kanilang serbisyo para sa bayan.