-- Advertisements --
Hinihintay pa ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang resulta ng isinagawang konsultasyon ukol sa proposal ng pagbabalik sa buwan ng Hunyo hanggang Marso ang school calendar.
Sinabi nito na nagsagawa na ang Department of Education ng mga pagpupulong kasama ang mga teacher organizations, parent-teacher associations, student leaders at iba pa para pag-usapan ang nasabing panukala.
Kasalukuyang isinasagawa ang mga consultations sa regional at division levels at hinihintay nila ang nasabing resulta.
Magugunitang inilipat ang nasabing school year noong panahon ng pandemya kung saan maraming mga paaralan ang nagsara.