-- Advertisements --
image 341

Pinapatanggal ni Vice President at Education Secretary Sarah Duterte ang mga nakakabit at nakapaskil na mga educational posters sa mga silid aralan.

Ito ay kapwa sa loob at labas ng mga silid aralan.

Ayon kay VP Sara, dapat ay malinis at walang nakapaskil sa mga classroom kasabay ng pagbubukas ng pasukan ngayong Agosto.

Maliban dito, pinapatiyak din ng kalihim na walang anumang mga clutter o kalat sa loob ng mga silid-aralan.

Katwiran ng pangalawang pangulo, ito ay upang matiyak na nakatuon lamang ang atensyon ng mga mag-aaral sa mga leksyon o aralin.