-- Advertisements --

Ligtas na nailikas ang mga residente ng Lincoln Heights Subdivision sa Barangay San Pablo, Dinalupihan, Bataan, dahil sa banta ng Southwest Monsoon o Habagat.

Dakong alas-7:30 ng gabi noong Agosto 28, 2026, nagsagawa ng force evacuation ang mga tauhan ng Bataan Police Provincial Office, katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga security officer ng subdivision dahil sa abot baywang na pag baha na naranasan sa lugar.

Layunin ng operasyon na matiyak ang maayos, mabilis, at ligtas na paglikas ng mga residente patungo sa mas ligtas na evacuation area.

Patuloy ding mino-monitor ng Bataan Police Provincial Office ang kalagayan sa lugar bilang bahagi ng kanilang paghahanda at pagtugon sa mga insidente dulot ng kalamidad.