Ilulunsad ngayong araw Hunyo 15 ng Commission on Election ng kanilang mobile app para sa voter registration.
Layon nito para mabawasan ang registration process na maaaring ma-access ng sinumang mayroong smartphone o kahit ito ay offline.
Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo na napapanahon ang nasabing app dahil sa limitado ang paggalaw ng mga tao ngayon bunsod ng ipinapatupad dahil sa COVID-19.
Isasagawa ang pormal na paglulunsad nito sa Tagum City sa Davao del Norte.
Bago ang pormal na paglulunsad ng apps ay sinubuka na ito sa ilang mga pangunahing lugar sa bansa.
Bawat voter registrant ay mabibigyan ng QR code at kapag nagtungo sa mga COMELEC office ay doon na kukuhanan ng biometrics.
Kung maalala magtatapos sa Setyembre 30 ang voters registration para sa 2022 local and national elections.










