Posibleng pansamantalang ipahinto ang voter reistration para bigyang-daan ang pagberipika sa mga lagdang isinumite para sa people’s initiative para sa isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas.
Paliwanag ni Commission on Elections spokesperson John Rex Laudiangco na sakaling umusad ang petisyon at kailangang iberipika ito kayat malamang aniya ay ihihinto nila pansamantala ang voter’s registration dahil hindi maaaring pagsabayin ang pagpaparehistro at pagbeberipika ng nasabing mga lagda sapagkat iisa lamang ang election officer na nakatalaga sa bawat munisipyo at lungsod.
Una na ngang nakatanggap ang election officers ng ilang form na may mga lagda mula sa mahigit 600 munisipalidad at lungsod subalit wala pang pormal na petisyon para sa people’s initiative na nagsusulong para baguhin ang 1987 Constitution.
Pagkatanggap ng naturang mga signature pages, kailangan ng election officers na bilangin ang mga lagda at saka mag-iisyu ng sertipikasyon sa bilang ng mga pirma.
Ayon pa sa poll body official, ang mga proponent ng people’s initiative ay maaaring gumamit ng certification bilang attachment sa pormal na petisyon para sa naturang inisyatibo na isusumite sa Comelec.
Sa oras na maisumite na ang petisyon, tanging ang komisyon lamang ang maaaring sumuri kapag na-comply ng mga lagda ang kinakailangang 2 requirements para sa people’s initiative.
Sakaling masunod ang requirements saka pa lamang ito beberipikahin ng Comelec ang mga lagda.
Maaari namang icross-checked ang mga lagda sa nakalap na pirm apara sa voter registration ng Comelec na magsisimula sa Pebrero 12. ((With reports from Bombo Everly Rico)