Itinanggi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang paratang laban sa kanya ni dating House Speaker at Davao del Norte re-elected Rep. Pantaleon Alvarez na nagmumudmod umano ito ng pera para masungkit ang trono bilang susunod na lider ng Kamara.

Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na hindi totoo ang ulat ni Alvarez na nagsabing may inihanda na raw na tig-P1 milyong budget ang inaakusahang mambabatas para sa bawat kongresista.

Ani Velasco, nirerespeto niya ang kanyang mga kasamahan sa mababang kapulungan, gayundi na tiwala itong hindi magpapasiplaw ang mga ito sa salapi kapalit ng boto.

Kamakailan nang magpasaring si Alvarez sa mga kapwa kongresista tumatakbo rin para sa pwesto na maghanda ng sapat na salapi para makuha ang boto ng mga bagong mambabatas na bubuo sa susunod na Kongreso.