-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lubos ang pasasalamat ng libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin na lamang na voluntary ang pagbayad ng premiums sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Bombo International Correspondent Oliver Diong, isa sa mga Board of Directors ng Filipino community sa Kuwait, malaking bagay ang pagbawi ng Pangulo sa naunang pahayag nito na obligadong magbigay ng 3 percent ng kanilang sinasahod ang mga OFWs bilang premium contribution sa PhilHealth.

Isa si Diong sa maraming OFWs na pumirma sa online petition laban sa mandatory na pagbayad ng PhilHealth premiums.