-- Advertisements --
RICE IMPORTED

Naitala ang pagtaas sa volume ng bigas na inangkat ng Pilipinas nitong buwan ng Agosto, kumpara sa mga nakalipas na buwan.

Batay sa datus na hawak ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry (BPI), ang pumasok na shipment ng bigas dito sa bansa ay may kabuuang 188,933.89 metriko tonelada ng bigas.

Mas mataas ito ng 20.56% kumpara sa naitalang shipment nitong Hulyo ng kasalukuyang taon na nasa 156,711.75 metriko tonelada.

Sa kabuuang taon, umabot na sa 2.18 million metriko tonelada ang volume ng inangkat na bigas ng bansa.

Mas mababa ito ng 21.17% kumpara sa inangkat nitong nakalipas na taon na nasa 2.77million metriko tonelada.

Ang pumasok na volume ng bigas noong Abril ang may pinakamataas sa buong 2023.

Samantala, nananatili naman ang Vietnam na top supplier ng bigas sa Pilipinas kung saan 89.96% ng kabuuang imported na bigas ay galing dito.

Ito ay katumbas ng 1.96milyong metriko tonelada.