Umapela si dating Commission on Higher Education (CHED) executive director Julito Vitriolo na dapat siyang ibalik sa kanyang posisyon matapos sibakin dahil sa reklamo.

Iginiit ng dating opisyal ang desisyon ng Quezon City Regional Trial Court Branch 83 noong October 18 kung saan inatasan ng korte si CHED chairman Prospero De Vera na alisin ang ipinalit nito kay Vitriolo na si Atty. Cinderella Filipina Benitez-Jaro.

Taon 2017 nang ipasibak ng Office of the Ombudsman si Vitriolo matapos mabigong pigilan ang umano’y “diploma mill” sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Pero sa parehong taon ay pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na nagpapabalik sa kay Vitriolo sa posisyon nito.

“There is already a decision of at least 3 levels — RTC, CA and Supreme Court — already affirming my reinstatement, the pay of back wages. Sana igalang ‘yun (I hope that will be respected). It has become final and executory,” ani Vitriolo.

Naghain na ng mosyon ang kampo ng dating CHED executive director para ipa-contempt ang pagdinig sa kaso ni Jaro.

Sagot naman ni De Vera, hangga’t walang desisyon ang korte sa mosyon ay mananatiling hindi executive director ng CHED si Vitriolo.

“Until the court decides on the motion for reconsideration, then the Commission stands by its position that he (Vitriolo) is not the executive director,” ani De Vera sa isang statement.