Haharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang bisitang babaeng nakuhanan ng mahigit P2.3 million na halaga ng shabu sa New Bilibid Prison (NBP).
Kinilala ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si Raquel Artiaga Zuñiga 33-anyos at residente ng Marasaga St., Tatalon, Quezon City.
Nahuli si Zuñiga ay nahuli ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) personnel.
Tinangka raw ng suspek na itakas ang apat na transparent plastic bag na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride na mas kilalang shabu na may street value na P2,380,000 dakong ala-1:00 kahapon sa area ng inmate visitation sa Maximum security compound, National Bilibid Prison, Muntinlupa City.
Base sa inisyal na report, nagsagawa raw ang mga personnel ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) ng body search sa lahat ng Persons Deprived of Liberty (PDL) visitors ng Maximum Security Compound na nagresulta sa pagkakaresto ni Zuñiga.
Nakuha sa kanya ang apat na improvised white envelop na binalot ng scotch tape at naglalaman ng apat na transparent plastic bag na may timbnang na 350 grams.
Sinabi naman ni Macaraeg na laging pinaiigting ng SPD ang kanilang koordinasyon sa Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para maharang ang illegal drug activities sa NBP at iba pang mga detention cells at facilities.