-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Negros Occidental dahil sa low pressure area (LPA).
Namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 180 km sa timog kanluran ng General Santos City.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Benison Estareja, bagama’t nasa Mindanao ang LPA, malawak naman ang extension nito kaya umaabot ang mga kaulapan hanggang sa Visayas.
Paalala ng weather bureau, kung tatagal ang ulan, maaaring bahain ang low lying areas ng mga nabanggit na lugar.
Ang Metro Manila naman at iba pang parte ng bansa ay posibleng magkaroon ng biglaang ulan, dulot ng easterlies mula sa Pacific Ocean.