-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng panibagong pagbuhos ng ulan at baha sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa extension ng isang low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, kabilang sa mga maaaring bahain ay Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Davao Region at SOCCSKSARGEN.
May mga isolated at localized thunderstorm din sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.
Habang hanging amihan naman na naghahatid ng malamig na hangin at ulan ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
















