Hindi isinasantabi ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na pag-aralan ang virgin coconut oil (VCO) bilang treatment sa pandemic na novel coronavirus (COVID-19).

Magugunitang inamin ni Cabinet Sec. Karlo Nograles kamakailan na may ilang eksperto sa bansa ang nag-aaral sa bisa ng VCO.

Ito’y matapos na rin umanong tanggapin ng National University of Singapore ang study na ginagawa ng isang academician mula sa isa mga premiyadong unibersidad sa bansa.

Sa isangpanayam sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na agad niyang ipe-presenta sa panel of experts ng ahensya ang dokumento ng team na nag-aaral kapag napatunayang malinaw ang batayan nito at dumaan na sa clinical trials.

Imumungkahi raw ng kalihim ang testing sa clinical management ng COVID-19 para matukoy kung may antiviral properties ang VCO.

Para kay Duque, mas mabuti kung ang nasabing unibersidad sa Singapore na ang manguna sa pag-aaral.