Naitala sa Virac, Catanduanes ang pinakamataas na heat index ngayong taon na umabot sa 52.2 degrees Celcius.

Ayon sa PAGASA, naitala ito kahapon Mayo 8, 2019 na nahigitan ang 51.7 degrees Celcius na naranasan ng lungsod ng Dagupan noong Abril 9.

Ang heat index ay siyang temperatura na nararamdaman ng isang tao.

Naitala din ang 46.4 degree Celcius sa Calapan City, Oriental Mindoro habang mayroong 44.9 degree Celcius ang naitala sa Dipolg, Zamboanga City.