LEGAZPI CITY -Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Virac, Catanduanes ng programa na magpapalakas sa pagtatanim ng gulay sa kada barangay.
Layunin nito na matugunan ang malnutrisyon at makabawassa gastos sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.
Tinawag ang programa na 3+1: Tatlong Gulay at Malunggay sa Bawat Bahay Project kung saan susuportahan ng lokal na pamahalaan ang pagtatanim ng mga residente ng kanilang makakain.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Virac Mayor Samuel Laynes, sinabi nito na patuloy ang pagmahal ng mga bilihin kaya malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng pananim sa bawat bahay.
Sabay-sabay na nagtanim ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng mga gulay tulad ng talong, sitaw, okra, malunggay, sili at iba pa.
Itinanim ito sa mga Narangay Ibong Sapa, Bigaa, Sto. Niño, Calatagan Tibang, at Palta Salvacion.
Umaasan naman si Mayor Laynes na sa tulong ng naturang proyekto ay mas marami pang residente ang mahihikayat na magtanim sa kanilang mga tahanan.