CAUAYAN CITY – Isang vintage bomb ang natagpuan sa compound ng isang residente sa Brgy. Sipay, City of Ilagan, Isabela.

Nakatanggap ng tawag ang Ilagan City Police Station mula kay Alvie Bauit, residente ng Sipay, Ilagan at ipinagbgay alam na mayroong natagpuang vintage bomb sa compound ng kanyang bahay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nakita ni Bauit ang kanyang menor de edad na pamangkin na pinaglalaruan ang isang vintage bomb kaya agad nitong tinawagan ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station.

Dinala sa Ilagan City Police Station ang nasabing vintage Bomb para sa kaukulang disposisyon.