-- Advertisements --

LA UNION – Hawak na ng Explosive Ordinance Disposal K9 Team ng La Union police ang isang Ordnance projectile 130-mm na na-recover sa bayan ng Rosario, La Union.

Pinangunahan ni police Senior Sgt. Jayson Macasieb ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company ang pag-responde para ma-recover ang eksplosibo na hindi pa sumasabog.

Batay sa ulat isang Jerome Ocampo ang nagpaalam ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa nakitang eksplosibo.

Bagamat walang nakitang senyales ng damage, ipinangangamba pa rin ng mga otoridad ang posibilidad na sumabog ito.

Pinaniniwalaang bomba mula sa panahon ng pananakop ng mga Hapon sa bansa ang na-recover sa naturang site sa Brgy. Tay-ak, Rosario.